Posted by: Leah | September 6, 2006

Boy Bawang

Nakatikim ka na ba ng Boy Bawang?

Naku, mga ilang araw na akong kain ng kain nitong kornik na ito. Ansarap kasi ng bawang na lasa nito at syempre pa ang kaalatan nito. Hay, hindi pa nga ako nakuntento na ganun lang ito kainin. Para lalong sumarap, maglagay ng suka sa isang mangkok o platito. maglagay ng konting kornik at gumamit ng kutsarita at isubo ang kornik..takam..takam..sarap talaga. Kung gusto mo naman kamayin, pwede rin.

Naalala ko nga nung maliit pa ako, panay rin ang bili namin ng kornik o chicha-corn. Syempre pa sa tindahan meron din libreng suka na ikaw na mismo ang maglalagay dun sa tig-beynte-singko sentimos na kornik

Kanya-kanyang ligaya kahit sa isang junk food lang makukuha.

Advertisements

Responses

  1. alam mo ba kapag bumibiyahe ako sa ibang bansa ang dala kong pasalubong sa mga kababayang kaibigan natin? eh di boybawang… naku enjoy na sila nun, at nag-aagawan pa. minsan nagseselosan pa kaya naman isang box lagi ang dala kong boybawang para lahat sila maambunan ng katakam na kornik na ito.

  2. Ay Leah isa yan sa mga paborito, ssrrppp sarap talaga yan ! Naku sabihan ko nga Ate ko padalhan ako nyan dito ha ha ha para may stock ako….naglalaway na naman ako!!!

  3. omg, in love din ako kay boy bawang. Pinadalhan kamin ng sisters ko ng kung ilang pakete ng corniks for the summer, ubos lahat!! Garlic breath din kaming lahat 😀 sarap!

  4. Boy Bawang?! Ang buong pagkakaakala ko ay isang artista ito ngunit ng makita ko ang pinagmamalaki nila ito pala ay kornik, hinahanap-hanap,binabalik-balikan dahil katakam-takam at malinamnam. Para ring artista na maraming fans, makabili mamaya, hahaha…

  5. It all starteds when my mother-in-law brought a packfull here in Singapore. Now, Jean has been an avid eater of this thing especially is she’s into her telenovelas and koreanovelas. I hate the sound of the corn gritting. But I’m tempted to munch some. 🙂

  6. Masarap talaga ang Boy Bawang, paborito namin yan dito sa bahay lalo na anak mo ata ate, hahaha… Kapag nasimulan mo na ngatain mahirap na tigilan, hmmmm natatakam ako ngayon ahh kainis ubos na yung nabili ko nung tuesday! 😦 Iba talaga yung gawang atin…

  7. Probably more healthy than chocolates & sweets. But nothing better than a fruit ! 😉

  8. Uy Boy Bawang!! nagkakilala kami ni Boy nung last uwi ko sa pinas, at magmula nun hindi na kami nagkahiwalay. Kasa-kasama ko siya lagi sa bahay, at katabi ko siya lagi sa kotse pag umaalis kami. Pero sa tingin ko mas magka-vibes sila ni Lana! hehehe!

  9. hello there, thanks for dropping by my hideaway!

    boy bawang, di ko pa sya kilala but ive been reading a lot about it, sarap siguro kaya maraming naaadik. kikilalanin ko sigurado next time im there!

  10. ako rin yan ang hinihingi kong pasalubong kapag may uuwi sa atin. nakakaadik talaga lalo na kapag may suka! hehehe

  11. masarap pero tila yata tadtad ng MSG. sakit tuloy sa ulo pagkatapos kainin.

  12. hi leah!

    hahaha, working overtime sa office on a sat evening kaya ise-share ko lang ung boy bawang trail food recipe namin, hahaha:

    – mix one part growers honey-roasted nuts with one part mixed nuts
    – tapos, ihalo sa one part boy bawang
    – haluing mabuti and serve.

    kuuu, ang sarap nito sa mountain trail. talo ang trail mix dahil maghahalo ang tamis nung honey-roasted peanuts with the garlicky-taste of boy bawang. satisfaction guaranteed or your fresh breath back, hahaha. enjoy!

  13. my friends abroad order boy bawang from balikbayans they know. i love it too.

  14. gusto ng kornik, penge! hehe
    nakakaantok dito, maganda yang pang gising.

  15. Good am Leah. Thanks for visiting my blog.

    I discovered Boy Bawang last year and got addicted to it too. It even became a favorite pasalubong to family and relatives abroad. Sayang na close yung kanilang factory pero may pumalit naman, I just forgot the name of the brand. Masarap din naman.

    Nowadays I’m so addicted to Oishi’s garlic bread. I buy dozens of those green packs because I love it.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: