Posted by: Leah | December 20, 2007

Si Santa

santa.jpg

Tagalog post

Ilang tulog na lang, Pasko na. Eksayted na ang aking unica hija. Naniniwala pa rin siya kay Santa Claus. Napakarami nyang hiling pero ang isinulat raw nya (yun klase nya sa Grade 1 eh nagpadala ng sulat ke Santa) ay Nintendo DS at Wii . Naku, anim na taon pa lang eh gusto na ng Wii. Ang na-afford lang ni Santa eh bumili ng Nintendo DS kaya iyon ang kanyang makikita sa ilalim ng Christmas tree sa kuwarto nya pag gising nya sa Pasko.

Ako, nabilhan na ni Santa ng office chair pero hindi pa namin inaalis sa box nya. Sabi ng Santa ko, sa Pasko na raw namin bubuksan. Yun Santa ng Mister ko medyo nahihirapan maghanap kung ano ang dapat ibigay sa kanya. Mapili kasi eh. Binilhan ko na lang ng gift certificate sa Chapters kasi mahilig magbasa eh. Tapos mga maliliit na bagay na inilagay na ni Santa sa Christmas stockings nya.

Ikaw ano kaya ibibigay ni Santa sa iyo? Ano ba ang hiling mo?

Advertisements

Responses

  1. Sigurado akong maligaya si unica hija sa regalo ni Santa. Nahirapan din ang Santa ni Mister ko. 🙂

    Maligayang Pasko Leah! 🙂

  2. Hi Leah 🙂
    Ay, ang 6 year old ko gusto din ng Wii, kaya lang masyadong mahal (240 pounds!) sa ngayon… hintay na lang kami for January sales he he
    Maligayang maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya 🙂

  3. Yung aking 6 year old humihingi rin ng Wii subalit sabi ko masyadong maaga pa sa edad nya at saka wala kaming mabibilhan na Wii – puro hindi available lagi ! Grabe ang demand ng Wii ngayon 🙂

    Merong ding bigay si Santa sa anak ko maliban pa kay Papa at Mommy 🙂 Kami naman ni Missis may understanding na…. bibilhin raw niya ang gusto nyang regalo ko sa kanya at babalutin na rin para sa exchange gift basta bigyan ko siya ng pambayad afterwards hehe 🙂 Paano ang gusto kong ibigay lagi sinosoli !

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa iyo at mahal mong pamilya!! Walang White Xmas tayo ngayon sabi ng Weather Channel – OK lang 🙂

  4. Ako ang hiling ko kay Santa world peace umpisa sa pasko. Pero kung di niya maibigay sa akin yun, joop perfume na lang! 🙂

    Merry Christmas and Happy New Year Ate Leah!!

  5. We wish u a meri xmas (3x), and a hapi new year! 🙂

  6. Medyo mabigat hiniling ko ke Santa eh pero kung di man nya mabigay ngayong taon na to sana sa bday ko, hehe…

    Maligayang Pasko ate lhey!!!

  7. isa lang…magandang kalusugan….tsaka magandang araw para mag-skiing…kaso umulan ngayon, nawala na ang isa sa mga wish ko….sayang…..

    pwede na rin ang isang messenger bag from crumpler…para sa laptop at minsan sa camera….para naman di na sumakit likod ko sa backpack laptop bag…:(

  8. Sarap maging Santa kahit papano. 🙂

  9. Ang aking anak na si Sébastien walang hindi ginusto kung hindi si Spiderman ! Ang bunso naman na si Mayumi inuungot ungot si Dora, yon lang sila’y masaya na 😀 ! Kaya isa sa mga regalo nila yon ang makikita sa ilalim ng Krismas Tri. Kung ako naman kalusugan para sa lahat upang magawa at makamit ang mga ambisyon at ninanais sa buhay ! Kung materyal naman ang pag uusapan,, okay na ako sa aking bagong kusina 😉 ! Ngunit kung dadagdagan ni Santa aba tatangapin ko ng walang pag aalinlangan !

    Napaka gandang nitong iyong sinulat, salamat ! Maligayang Pasko Leah at sa buong pamilya !

  10. Nakakatuwa talaga kapag sabik na sabik ang mga bata kay Santa. Nakakahawa ang kasiyahan nila!

    Wala naman akong hiling kay Santa ngayong Pasko, pero kung siya’y nakikinig at nagbabasa ng liham na ito, aba eh makikihingi po ako ng bagong sapatos na pang-opisina, bagong mga kasuotan para sa opisina rin at salapi! Hehehe.

    Maligayang Pasko!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: