Posted by: Leah | July 19, 2008

Sa Tabing Dagat

DSCF1212

Ang sarap ng ihip ng hangin sa may tabing dagat. Ako ay naglalakad habang ang musika ng alon ay tumutugon sa mga munimuni ng aking isip. Dama ko ang buhangin at tubig sa aking mga paa at ninanamnam ang mga sandali.

DSCF1188

Ang ganda tingnan ng mga batong inalon sa may bukana. Iba’t ibang hugis at kulay. May pula, itim, puti, berde, bughaw,may parisukat, may bilog, may tatsulok at iba pa. Namulot ako para souvenir.

Naku, napakasarap damhin ang kakaibang simoy ng hangin na dala ng kalawakan ng dagat. Kung pwede lang sanang dumito na lagi. Ito ang isa sa aking mga hiling na sana ay dito sa may tabing dagat ako manirahan pag dating ng panahon.

Pero isa lamang itong bakasyon sa pang araw-araw na buhay. Ang aking pamilya ay dumayo dito sa California at naparaan dito sa may San Simeon at nakalanghap ng sariwang hangin. Bumisita kami sa Hearst Castle at nagpalipas ng gabi na rito sa may kabayanan.

DSCF1028

Naguumpisa pa lang araw….ano kaya ang nakalaan para sa amin?

DSCF1218

Advertisements

Responses

  1. iba talaga ang dala ng preskong simoy ng hangin sa may karagatan…ang ganda ng dinaanan ninyo. tama yan…para maiba naman sa init na dama ng Toronto 🙂

  2. wala kaming dagat dito, panay bundok.

  3. private ang photo lol! di ko makita ng buo 🙂

  4. Nature is always relaxing to the our spirits, lalo na everday, we encounter busy streets, in big cities.
    Sa Nice France, me dagat. Then katabi lang mountains naman. but then, homesweet home, iba pa rin ang bansa natin, homesick ako.

  5. Sa wari ko, lalo kang mapapatula kung ang dalampasigang yung pinagmunimuni ay dalampasigan ng boracay o puerto galera o sa Kabite or Palawan imbis na dalampasigan sa California. Ganun pa man, tingin ko, enjoy ka pa din. At dahil dyan, enjoy na din ako!

    Kumusta ka na, matalik kong kaibigan sa himpapawid.

  6. sarap naman. yan ang kailangan ko sa panahon ngayon.. 2 linggo na lang, bakasyon na ulit namin, at pupunta rin kami sa may karagatan.. hayy, ngayon pa lang, excited na ko..

  7. hi leah! road trip! sarap! mainam naman at matatas pa rin ang pananagalog mo 🙂 salamat sa pagdalaw sa blog ko 😀

  8. iba talaga ang dala ng hangin mula sa dagat
    inaagos at tinatangay nito ang mga negatibong namamahay sa ilang espayo ng ating utak
    at dinadampian nya ng lamig ang init sa paligid.

  9. Ganda ng mga kuha sis.. Hindi yata ako nagkamali sa pag bili ko ng Fuji hehe 🙂

  10. Sarap mag road trip no? Ang linis ng dagat dyan.

  11. i can almost smell the sea, and feel the chill.
    galing ng tagalog mo leah, parang nobela!

  12. Wow Leah, ganda ng Dagat dyan sa California. Salamat sa iyon pagbati 🙂 Ingat kayo dyan at enjoy!

  13. Napakagandang lugar. Ang sarap tuloy magbakasyon sa tabing dagat.

  14. Napakagandang pahayag nito Leah ! Ngayon kami ay bakasyon kaya talaga naman ninanamnam namin ang kasayahan, katahimikan, at magandang tanawin dito sa bundok dahil mahirap ng balik balikan ito. Taon taon din kami sa Corsica ngunit kahit paulit ulit kami’y nabibighani sa kagandahan dito 😀 ! Magandang bakasyon sa inyong lahat !

  15. ang linis ng dagat dyan, sana sa pinas mamaintain din ang ang mga karagatan at kalikasan.

    pagnasa karagatan ka, nakakawala ng iniisip mo, mga agam agam…..

  16. brrr… nilamig ako dun sa una mong picture!

  17. ang sarap ng tanawin. parang nalanghap ko ang malinis na simoy ng hangin. ang sarap. sama ako next time. 😉

  18. […] Sa Tabing Dagat July 200817 comments […]

  19. talgang maganda talaga ang dagat parang amin lng sa bikol, halos ganyan……nakakarelax at nakakwala ng problema pag nasa tabing dagat ka….

    malking kawalan sa i9dang pagkatao ng tao ang hindi pa nakakaita ng totoong dagat


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: